“Matagal ko nang tinitiis ang mga akusasyon. Pero ngayong ginagamit na ang pangalan ko para sa pulitika
, kailangan kong magsalita. Wala akong tinatago, at handa akong ipakita ang lahat ng dokumento,” mariing pahayag ni Dizon.
Ayon kay Dizon, may ilang proyekto umano noong nakaraang administrasyon na ginagamit ngayon upang siraan ang ilang opisyal, kabilang siya.
“May mga kontratang naaprubahan noon pa, at malinaw sa mga papeles kung sino ang pumirma. Hindi ako ang nagdesisyon sa mga iyon,” dagdag pa niya.

Maraming netizen ang nagulat sa diretsahang pahayag ni Dizon, lalo na nang banggitin niya ang pangalan ni Leviste. “Hindi ako mananahimik habang pinapakalat ang kasinungalingan. Kung may tanong si Leviste, sabihin niya sa tamang venue, hindi sa social media,” aniya.